Commuters from Alabang

Warning to commuters

Dear All, Pls. share this to all SW Personnel who commutes daily.

(Mag-ingat Tayo sa mga Puñetang Tao) Last night at about 10:15 - to 10:30 PM , I was in a jeepney bound home traversing Alabang-Zapote Road . Napaidlip ako saglit. Nakaramdam ako na may nag inject sa Right Arm ko.

"Aray! ano po yun?" ang tanong ko sa katabi ko may edad ng babae. Di ko nakita na sya ang nanusok pero walang space sa pagitan namin at mabilis ang takbo ng jeep at puno ng pasahero. Nakatitig sya sa akin. A few seconds later, uminit ang braso ko at namanhid ang buo kong kamay. Nanlalambot ako at halos nawawalan ng energy. Nung para na akong mawawalan ng malay sa jeep ay sinabi ko sa driver

"Manong, may nag inject sa braso ko at namamanhid na ang kamay ko. Nanghihina ako bigla. Baka hindi ako makarating sa amin". ( Nasa tapat kami ng Alabang Town Center I think 20 Minutes away pa ako sa babaan ko.) Mabuti at mabait ang driver, pinaharurot ang jeep at tapat ng Honda ay may nakita syang Mobile Patrol at inihinto ang Jeep. Nagsuplong ako sa Police at pinababa lahat ng pasahero. Itinuro ko ang katabi kong babae bilang primary suspect ko, pero alam ko may mga kasama sya. Nasa kaliwa ko, sa harap ko at sya na nasa kanan ko. May isang lalaki parang amerisian na marungis at malalim ang mata na di bumaba. Alam ko kasama sya ng babae. Yung babae lang ang kinapkapan, walang nakita sa kanya, maaring naipasa na nya, o naitapon ang injection.

Pinasakay kami sa Police Car, ako, ang babae. Pinasunod din ang driver para kunan ng statement. Wala namang nakitang evidence at deny sya na may kasama sya. Moments later dumating sa police station ang apat na lalaki, (2 sons, asawa, anak na babae at escort nya na baranggay police daw). I was treatened. Mag-isa lang ako They interrogate me but I did not answer them. Sinabihan sila ng pulis na wag makialam.

After the blotter, pakiramdam ko nalagay pa rin ako sa alanganin dahil walang confidentiality ang tanong sa akin ng Pulis. Pangalan ko, Address ko, san ako nagtatrabaho na naririnig mismo ng suspect. Nanghiram pa ng ballpen sa Pulis. Then, nagpa escort ako sa police pa Alabang Med para ipa examine kung ano ang ininject sa akin. Wala daw silang ganung equipment. Ni refer ako sa Asian Hospital , wala ring examine na ginawa. I was advised by the physician na sa Crime Lab or Toxicology ako magpatingin to know what was the drug injected to me. What he can do raw ay i admit ako at observe kung ano ang reaction ng drug na na inject sa akin. DI ako nagpa admit. I was given anti tetanus shot baka kase saan saan lang napulot ang needle at kani kanino na yun naitusok.

Lastly, I learned sa isang by-stander na may previous incident din nung madaling araw na yun sa Alabang, wherein a lady lost P10,000 pesos daw after feeling drowsy and weak pagbaba ng jeep dahil din sa may nag inject bigla sa braso nya.

LESSON LEARNED: MAG-INGAT. WAG MATUTULOG SA JEEP O BUS. MAGING ALERT SA MGA PASAHERO. WAG MAGDALA NG MALAKING CASH. DAHIL SA PANAHON NGAYON, MARAMING MODUS OPERANDI ANG MGA CRIMINAL.

Helen F. Besavilla
HRD Head-Shopwise Alabang
1:08 PM