Ang aking Ama

Ang aking ama ay isang inhinyero,
na pwede ring mag mekaniko.
Siya ay magaling magluto, ginisa, ihaw or kahit putsero.
Siya ay nagtratrabaho para meron kaming makain.

Tinutulungan niya ako sa aking mga takdang aralin.
Maging magalang, matapang, at mapag-mahal
ay dapat gawain.
Siya ay handang magpatawad at tumulong sa mga suliranin.

Ang tatay ko laging magaling,
kaya siya lang ang para sa akin.
Hindi siya nagpapatawag ng bosing,
pero siya ang haligi sa pamilya namin.
Haligi masasandalan at sumusuporta lagi sa amin.

--GIAN--